Frequently Asked Questions

Pwede ba akong maglaro kung ako ay wala pang 18 taong gulang?

Hindi. Ayon sa mga panuntunan ng serbisyo, pati na rin sa lehislasyon ng karamihan ng mga bansa, ang mga mamumusta ay dapat na 18 taong gulang o mas matanda pa. Sa pagrerehistro, kinukumpirma mo na ikaw ay higit 18 taong gulang. Kung kami ay may impormasyon o nagsususpetsa na ikaw ay wala pang 18 taong gulang, ang iyong account ay sususpindihin hanggang ikaw ay makarating sa edad na 18 o hanggang makumpirma na ikaw ay higit 18 taong gulang na.

 

Ano ang mga limitasyon sa mga bansa na maaaring lumahok?

Hindi kami nagbibigay ng mga serbisyo sa mga mamamayan ng mga sumusunod na bansa:

  • Australya
  • Belize
  • Belarus
  • Sayprus
  • Pransiya at kanyang mga teritoryo
  • Olanda at kanyang teritoryo, at mga bansa na nakapaloob sa Kaharian ng Olanda
  • Reyno Unido ng Britanya at Hilagang Ireland
  • Estados Unidos at kanyang mga teritoryo

 

Maaari ba akong magbukas at gumamit ng higit sa isang account?

Hindi. Ayon sa mga panuntunan ng serbisyo, maaari ka lamang gumawa at gumamit ng isang account. Kung sakaling nagrehistro ka ng higit sa isang account, ang lahat ng iyong mga account ay isasara. Hindi kami nag-gagarantiya ng pagsasauli ng bayad o refund o withdrawal ng mga napanalunan sa kaso ng pagkakarooon ng maraming account.

 

Maaari ko bang gamitin ang card ng aking kaibigan o kamag-anak upang magdeposito?

Hindi. Ayon sa mga panuntunan ng serbisyo, maaari ka lamang magdeposito gamit ang account o card na inisyu sa iyong pangalan. Kung magdedeposito ka gamit ang card ng iyong kaibigan o kamag-anak, ang iyong mga pusta at mga bonus ay kakanselahin at ang deposito ay isasauli na may bawas ng mga singil sa bangko.

 

Bakit naantala ang aking pag-withdraw sa DragonPay?

Pinoproseso ng DragonPay ang lahat ng mga pagbabayad mula 13:00 hanggang 18:00 (GMT+5) lamang. Kung naaprubahan na namin ang withdrawal bago ang 13:00 (GMT+5), ito ay mapoproseso ng DragonPay sa parehong araw, at kung naaprubahan ito sa ibang pagkakataon - ito ay sa susunod na araw na. Mangyaring tandaan na hindi pinoproseso ng DragonPay ang mga withdrawal sa katapusan ng linggo o sa lokal na mga holiday.

 

Bakit may napakakaunting mga opsyon para sa withdrawal?

Sa ilalim ng pangkalahatang tinatanggap na polisiya ng anti-money-laundering, ang mga pagwiwithdraw ay maaari lamang gawin sa pamamagitan lamang ng ginamit na paraan ng pagbabayad para sa deposito. Ang ibang mga opsyon ng withdrawal ay lalabas sa listahan kapag ikaw ay nagdeposito gamit ang mga paraan ng pagbabayad na yon.

 

Bakit delay ang aking withdrawal?

Pagkatapos mong humiling ng withdrawal, ito ay bineberipika ng aming team. Ang beripikasyon na ito ay karaniwang ginagawa sa parehong araw, ngunit minsan ay maaaring abutin ng hanggang 72 oras. Kung may anumang problemang lilitaw hinggil sa withdrawal, kami ay makikipag-ugnayan sa user.

 

Bakit nakansela ang aking pag-withdraw?

Marahil ikaw ay pumusta ng malaking halaga matapos humiling ng pag-withdraw. Kung ikaw ay humiling ng pag-withdraw ng pondo at pagkatapos ay pumusta ng halagang mas mataas pa sa balanse ng iyong account, ang iyong pagwithdraw ay awtomatikong kakanselahin upang pahintulutan kang pumusta. Ayos lang yan, maaari ka pa ring makapag-withdraw muli ng pondo anumang oras.

 

Kailangan ko bang mag-upload ng anumang mga dokumento?

Alinsunod sa mga batas at regulasyon ng mga sistema sa pagbabayad hinggil sa withdrawal ng mga pondo, kailangan mong magbigay ng katibayan ng pagkakakilanlan (ID card o litrato ng pasaporte). Kung sakaling ang isang deposito ay ginamitan ng credit o debit card, kailangan rin na magbigay ng isang litrato ng card na nakikita ang unang 6 at huling 4 na numero at ang gitnang 6 na numero ay natatakpan.

 

Bakit ang website ay walang espesipikong laban?

Ang coverage ng laban ay depende sa lebel ng isang torneo at mga sangkot na team. Kung mas mataas ang lebel ng torneo at mga team na kasali rito, mas malamang na ang labang ito ay nasa aming website. Ang lahat ng mga laban ay karaniwang lumalabas 2 hanggang 3 oras bago ang simula ng event.

 

Maaari ba akong mag-withdraw ng skins sa halip na pera?

Maaari kang mag-replenish ng iyong account sa pamamagitan ng paggamit ng quick sell function para sa CSGO at Dota 2 items. Sa paggawa nito, ibinebenta mo ang iyong skins para sa pera sa halip na magdeposito gamit sila. Kung kaya’t hindi ka makapag-wiwithdraw ng skins, ngunit makapag-wiwithdraw ka ng pera. 

 

Ang kinalabasan ng pusta ay alam na, ngunit walang payout. Ano ang gagawin ko?

Ang lahat ng pusta ay hinahawakan ng isang team ng mangangalakal at paminsan-minsan maaaring magka-delay. Sa kaso ng isang panalo na hindi nakredito sa loob ng 15 minuto pagkatapos na magwakas ang event, mangyaring makipag-ugnayan sa customer support sa pamamagitan ng chat at ibigay ang numero ng pusta (bet number).